Naranasan mo na bang umibig sa taong hindi pala para sau? Pagkatapos mong mahalin ibigay ang lahat sa bandang huli ay sasaktan ka lang. at sasabihin nyang "Paalam sayo at salamat sa pagmamahal mo na sa akin pinadama" Naramdaman niyang mahal mo siya pero bakit maspinili niya ang iba kaysa sayo. Diba ang sakit halos siya na ang mundo mo pero hindi ka pala nya tunay na mahal. Ang mga mata ko ay napapikit habang binabalikan ang mga nakalipas. Hindi na malaman anung dahilan kung bakit palagi'y tinatanung kung saan ako nagkamali at bakit ako sawi sa pagmamahal bakit dito nauwi.Ang pagibig na binigay ko bakit mo nilagay sa kalungkutan at pighati. Ito ba ang sukli sa pagluha na hindi maikubli ang kapalit ng aking katapatan at tila naging parusa sa aking pagdurusa. Marahil hindi ikaw ang para sa akin at hindi ako para sayo. Kung alam ko lang sana ang dapat kong mahalin sana hindi ganito ang aking natamo.kung hindi talaga ako nararapat sayo bakit mo hinayaan mahulog ang puso ko sayo. Wala akong nagawa kundi mahalin ka kaagad. Ang puso kong ito kanino ba nararapat? Ginawa ko naman lahat para lamang sayo . Bakit mo pa rin nagawang saktan ang puso ko at nagawa mo rin akong iwanan na nagiisa. Anu ba ang pagkukulang ko at bakit ka sumama sa iba? binalewala mo ako sa iyong mga pangako. Pinaikot mo lang ako sa palad mo at binigo at nagdurugo ang puso ko ang pangalan mo ang sinisigaw. Hindi ko lubos maisip kung bakit ka sa akin bumitaw halos gabi-gabi nalang napupuyat sa kakaisip sayo . Kapag nakakatulog ikaw rin ang panaginip hangang kailan kaya magtatanong kung bakit ako'y iniwan mo.
Saturday, May 30, 2009

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment